Tuesday, October 19, 2010

Kabataan, Sumulong Ka!!!

Bawat mamamayan may tungkuling isinasakatuparan
Bata man o matanda-walang sinisinuman
Nakatadhana mula sa nakaraan
Itinaguyod hanggang sa kasulukuyan

Mula sa wika ng bayaning magiting:
Kabataan ang susi sa pag-asang darating
Nananalaytay sa kanilang mga ugat
Ang katapusan ng paghihirap ng ating bayan



Kabataan, sino ka nga ba?
Dapat ka nga bang hangaan talaga?

Kabataan ang sumasagisag
Ng henerasyong magilas...matatag!
Ang puhunan namin ay talino't lakas
Alang-alang sa magandang bukas
Bagong Pilipino ang susulong
Sa pagpapaunlad ng ating ekonomiya
Kabalikas ka namin at laging nakahanda
Sa pagsulat at pagsasalita,
Wikang Filipino ang pinipithaya

Bawat kabataan nagkakaisa para sa kaunlaran
Paniniwalang may liwanag na makakamtan
At ang pawag sigaw...
Bangon! Para sa minimithing pag-asa at kalayaan!

Look at me, I'm lonely

Shadows playing against the wall
That's all that I can see
No one even bothers me to call

Yet I want to say, look at me,
I'm lonely ...


You are too busy

To take notice of me,

Don't you know that a hug

Will let me be in state of bliss?

Or a welcoming smile
Will make me all the waiting worthwhile?

Look at me,
I'm lonely
...


Monday, October 18, 2010

Kabataan, Pag-Asa Ng Bayan


Isang katotohanang hindi natin maikukubli. Isang tungkuling dapat gampanan.
Isang pangarap na dapat simulang abutin. Kabataan, ikaw mismo ang simula ng pagbabago.

Sa sandaling ito, tumahimik at tanungin ang iyong sarili. Hanggang aklat at pagsusulit na lang ba ako? Wala na ba akong makikita sa labas ng paaralan?
Imulat mo ang iyong mga mata. Punong-puno ng pag-asa ang nananalaytay sa iyong mga ugat at bilang isang mamamayan, may tungkulin kang dapat isakatuparan. Iyo na bang narinig ang taghoy ng Inang Bayan? Tinatawag ka papalapit sa kanya at humihingi ng tulong para sa pagbabagong kanyang inaasam.

Patungo sa iyong paglalakbay para sa pagbabago, hindi ka nag-iisa. Nariyan ang iyong mga kapwa-mamamayang makikitulong sa mga proyektong isinasagawa ng pamahalaan, lalahok sa mga programa tulad ng samahan ng mga kabataan, pagtatanim ng mga luntiang halaman na nagbibigay ng panibagong sibol sa pumapangit ng kapaligiran at ang pagmamatyag sa mga pangunahing bilihin na kailangan ng bawat mamamayan.

Kung may mga balakid man na hahadlang sa iyo katulad ng korupsyon na nagdudulot ng paghihirap sa mga Pilipino, huwag kang mag-alala. Gaya nga ng aking sinabi,
mayroon kang mga kasamang susugpo dito, ipaglalaban at papalaganapin ang katotohanan sa bayan.

Ngunit, ilang henerasyon na rin ang lumipas. Hindi makikita ang pagbabagong naganap. Taglay pa rin ng Pilipinas ang kahirapan, korupsyon at pagtaas-baba ng ating ekonomiya. Nakakasawa na. Kilos kapwa-kabataan ko at magmalasakit sa bayan.
Huwag umasa sa pamahalaan at sa mga susunod na henerasyon. Pakatandaan, hindi ka lamang isang pangkaraniwang mamamayan kundi isang instrumento tungo sa kaunlaran. Tayo, ang susunod sa henerasyon ngayon. Tayo, ang papalit sa ating mga magulang, sa mga guro, inhinyero, manggagawa ng iba't-ibang kagawaran ng pamahalaan, mga propesyonal at maging susunod na pangulo ng Pilipinas. Maniwala ka sa iyong sariling may magagawa ka.
Hindi pa huli ang lahat.