Monday, November 29, 2010

Tanglaw Ng Pag-Ibig


Just A Simple Love Story

Dapit-hapon na.
Humihimlay ang araw sa kanyang ginituang kanlungan.
Kaylamig ng simoy ng hangin na humahampas sa mga dahon ng punongkahoy kasabay ang pag-alon ng karagatan. Kaygandang pagmasdan ng nakakabighaning tanawin. Kahit sino ma’y mamamangha sa kanyang masisilayan. Sayang, hindi lahat ng nilalang ay nabigyan ng pagkakataong masilayan ang kagandahan ng kapaligiran . . . .


Habang lumalamig ang panahon, nararamdaman ko ang paghampas ng alon sa aking paanan.Ang pagtinag ng mga dahon at ang huni ng ibong nakasaklaw sa punongkahoy ay aking naririnig.
Ngunit ang hangi’y ‘di ko mahinuha kung saan patungo.
Kung maaari ko lang baguhin ang aking kapalaran, masisilayan ko ngayon ang lahat ng nakapaligid sa akin. Wala akong ginawa kundi makiramdam at makinig lamang upang matukoy kung ano ang nangyayari sa aking paligid. Ito’y aking nakagawian nang tanggalan ako ng kakayahang masilayan ang mundong aking kinalakihan.

“Bakit ganito kasaklap ang  tadhana’t kapalaran?” ang sambit ng mapusyaw kong damdamin.


Nagugunita ko pa ang mga panahong nakakakita pa ako. Noo’y nasisilayan ko pa ang tanawing ito na aking binibisita noong ako’y bata pa. Kaydaming magagandang alaala ang napakaloob dito, sa tabing-dagat at hanggang ngayo’y sariwa pa sa aking isipan.


Kailanma’y ‘di ko malilimutan ang lalaking nagbigay-kulay sa aking buhay.
Mula pagkabata, lagi na kaming magkasama. Nang kami’y mga musmos pa, kinagigiliwan na naming mamasyal sa tabing-dagat pagkagaling sa eskwela. Inaalis namin ang aming mga sapatos at naghahabulan habang nakapaa. Kung kami nama’y pagod na, pinapalipad namin ang aming mga saranggola, nagkukumpuni ng mga kabibe o ‘di naman kaya’y pinagmamasdan ang paglubog ng araw.


Kaybilis ng paglipas ng panahon.
Ni hindi namin namalayang dalaga’t binata ng pala kami.
Walang nagbago sa aming pagsasamahan. Sa halip, lalo pang tumibay ang aming pagkakaibigan. Turing nga namin sa isa’t-isa’y tunay na magkapatid.


Sa tagal ng aming pagsasamahan, kilalang-kilala na namin ang pag-uugali ng isa’t-isa. Kapag mayroon man akong dinadamdam, sinasabi ko ito sa kanya’t humihingi ng payo. Kahit ang aming mga nakahiligan at kakayahan ay naipamahagi na namin. Kung siya’y tumutugtog ng piyano, isinasabay ko naman ang aking tinig sa pagkanta. Nakahiligan din namin ang pagpipinta. Mula pagkabata’y nakahiligan na namin ito hanggang sa kasalukuyan. Kaya’t naisipan naming lumikha ng obra maestra sa tabing-dagat upang kami’y malibang noong bakasyon. Iginuhit naming dalawa ang karagatan.
Nang matapos ang aming pagpipinta, hindi maikukubling gayang-gaya nito ang kinagigiliwan naming tanawin. Isang nakakamanghang obra maestra.


Naalala ko rin kung paano nabuo ang aming lihim na pagtingin 
sa isa’t-isa. Hindi man namin ito sabihin, mahahalata naman ito sa bawat kilos namin. Kapag kami’y magkasama, napapawi ang aming kalungkutan at napupuno ng hindi maipaliwanag na kaligayahan. Nais naming kami’y laging magkasama at huwag nang bumitaw pa.


Dumating ang araw na kailangan na niyang lumuwas patungong Canada upang ipagpatuloy ang pag-aaral sa kolehiyo. Niyaya niya akong pakasal sa kanya nang sa gayo’y hindi na kami magkakalayo. Nais man ng aking kalooba’y hindi maaari. Maraming dahilan kung bakit hindi pa namin kailangang maging ganap na magkasintahan. Kamamatay lamang ni Inang at labis ang hinagpis ni Itay sa kalungkutan. Laging nakatulala’t malayo ang iniisip ni Itay, parang wala na siya sa kanyang sarili.

Sa sitwasyon ni Itay, hindi ko maaaring iwanan at pabayaan lang siya. Pangalawa, salungat sa akin ang mga magulang ng aking iniirog. Magkaiba kasi ang antas amin sa buhay. Kung sila’y tinitingala’t ubod ng yaman, kami nama’y gumagapang sa kahirapan. Nang ipinakilala niya ako sa kanyang ina, hinusgahan niya kaagad ang aking pagkatao na naging sanhi ng pagtatalo ng aking mahal. Ni hindi ko makasundo ang kanyang ina.
Higit sa lahat, hindi pa iyon ang tamang oras para kami’y ikasal.


Pinilit siya ng kanyang mga magulang na lumuwas na sa Canada sa lalong madaling panahon. Naiintindihan ko ang kanyang mga magulang dahil para naman ito sa kinabukasan niya.
Bago siya lumisan, inihabilin niya sa akin ang obra maestrang aming iginuhit at ibinigay a
ng mamamahaling kuwintas na kanyang pinagipunan. Ito’y hugis puso at nakapaloob  dito ang aming larawan. Hindi mahalaga sa akin kung ito’y ginto, kung gaano man ito kakintab o kung ito ma’y nakakabighani kundi sinisimbolo nito ang aming wagas na pagmamahalan para sa isa’t-isa. Nagsisilbi itong alaala tuwing kami’y laging magkasama.
Kaya’t saan man ako magtungo, suot ko ang kuwintas at bitbit ko ang aming obra maestra.  Kapag ako’y nalulumbay, bubuksan ko ang suot kong kuwintas at susulyapin ang larawan naming dalawa. Napakahalaga ng obra maestra’t kuwintas para sa akin. Kahit ngayo’y isa na akong bulag, hindi ko dapat ito maiwala.Nangako din siyang pakakasalan niya ako sa kanyang pagdating. Ihahanda niya muna ang kanyang sarili at tutuparin ang kanyang pangarap na maging isang ganap na doktor.
Maghihintay ako sa araw na ito dahil alam kong hindi niya ako bibiguin.


Nang siya’y tuluyang nawala sa aking piling, tuluyan ding naglaho ang saya sa aking mga ngiti. Ngayon, pasan-pasan ko ang mga suliraning sumubok sa aking katatagan. Huminto ako sa pag-aaral dahil nakapako ako sa pag-aaruga kay Itay . Hindi ako titigil hangga’t  hindi siya bumabalik sa kanyang katinuan. Nagbunga rin ang tiyaga ko kay Itay sapagkat bumalik siya sa kanyang tamang pag-iisip. Akala ko’y tapos na ang aming kalbaryo sa mga problema ngunit nangyari ang hindi inaasahan.


Habang patuloy ako sa pag-aaruga kay Itay, unti-unting lumabo ang aking paningin.Pinagsawalang-bahala ko ito at walang tigil sa pag-aaruga sa kanya.Nang bumangon ako mula sa kama, wala akong makita. Siguro’y gabi na kaya napakadilim ng paligid. Inutusan ko si Itay na buksan ang ilaw. Napakaliwanag daw para buksan pa ang ilaw at aksaya lang daw ito sa kuryente. Doon na ako nagtaka. Noong una, ayaw kong maniwala kay Itay. Baka nagbibiro lang siya. Ngunit, naramdaman ko ang haplos ng init ng araw.Tinanong ni Itay kung nakikita ko raw ang kanyang mga kamay na itinapat niya sa aking mukha.
Ang nakikita ko lamang ay kung gaano kadilim ang paligid..
Hindi ito maaari ! Hindi ito maaaring mangyari sa akin!!! Labis ang pighati ng aking puso.
Tumulo ang luha sa aking mga mata at napaluhod sa pagdadalamhati.
Dahil isa na akong . . . . . bulag.


Matinding pagsubok ang kinakaharap ko ngayon. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako tatagal. Nauwi sa bangungot ang aking buhay. Marami pa akong pangarap na gustong abutin. Ngayo’y hanggang pangarap na lamang ang lahat ng ito.Sa sitwasyong ito, hindi ko na masisilayan ang mukha ng aking kababatang si Noel.
Hindi ko na rin matutupad ang pangako ko sa kanya...


Napakasaklap ng tadhana’t kapalaran.
Tuluyan akong nabulag dahil hindi naagapan ang aking karamdaman.
Kasalukuyang naghahanapbuhay si Itay para makaipon ng pankonsulta sa doktor.Pumarito ang ninang upang tulungan si Itay sa pag-aalaga sa akin.


“Claudia !”
Sino ang tumawag sa aking pangalan? Noel?
Bigla akong napalingon ng may kumalabit sa aking likod.
Iyon pala’y si Ninang Salve, hindi si Noel.
Nagtungo na kami papuntang Maynila upang ipakonsulta ang aking mga mata at nagbabakasakaling muling masilayan ang mundong aking ginagalawan.Hindi ko makakalimutang dalhin ang obra maestra’t ang kuwintas na lagi kong suot.Sa Maynila ako ipinakonsulta sa doktor para makasiguradong hindi masayang ang pinag-ipunan
ni Itay.


Ibang-iba ang Maynila sa probinsya.
Sa aking kinalakihan, mas payapa ang pamumuhay ko roon.
Samantalang dito, sa Maynila, hindi ko matukoy kung ano ang nangyayari sa aking paligid.Napakaraming tao , halu-halo ang mga tunog. Nariyan ang bosina ng mga sasakyan, sigawan ng mga rallyista at marami pang iba. Hinigpitan ko ang kapit ko kina Itay at Ninang Salve upang tulungan ako sa paglalakad.


Nakahanap na kami ng matutuluyang tirahan. Masikip ngunit mas tahimik dito kaysa sa labas.Nagpahinga lang ng sandali ang Itay pagkagaling sa aming biyahe. Lumakad na rin kami sa ospital. Nag-iba ang pintig ng aking puso sa loob ng pagamutan. Ibinubulong nito sa akin na may kakaibang mangyayari.Buti na lamang ,kasama ko sina Itay at napanatag ang aking kalooban. Pinapasok na ako ng nars sa loob ng klinik. Napakaraming katanungan ng doktor. Binigyan niya ako ng reseta. Kinakailangan ko raw operahan ngunit hindi hindi namin kakayanin  ang halagang iminumungkahi ng doktor. Pumunta ako sa isang silid kung saan maaaring makapahinga ang pasyente sa kama. Binabalak ni Itay na magpakonsulta ako sa ibang doktor kung saan hindi kalakihan ang aming babayaran. Pinalabas ko kay Ninang ang obra maestra galing sa aking bagahe. Nakatulog kami ng sandali at nagmamdaling umalis.
Dahil sa pagmamadali, naiwanan ko ang pinakamahalagang alaala sa akin ni Noel. . .


Sa silid na pinanggalingan ni Claudia, pumasok ang isang doktor at hinahanap ang pasyenteng inirekomenda sa kanya.
Ngunit pagpasok niya sa silid, wala siyang naabutan. Ang nadatnan niya lang doon ay isang nakakamanghang obra maestra.
Pamilyar ang larawang ito sa kanya.
Sa mga oras na ito, binalikan niya ang kanyang nakalipas.
Hindi siya makapaniwala sa kanyang nakikita.
Hindi...hindi ito maaari...Ang obra maestra!!!



Dali-dali siyang tumakbo papunta sa nars.
Tinanong niya kung sino ang nanggaling sa silid na iyon at tama ang kanyang akala...
“Si Claudia, si Claudia nga!!! Mungkahi ni Noel, na ngayo’y naging doktor na.
Tumalon siya sa sobrang tuwa. Humarurot ang  sasakyan at wari’y nagmamadali.  Ang tumatak lang sa kanyang isipa’y dapat makita na ang aking pinakamamahal, walang iba kundi  si Claudia!!! Pinuntahan niya ang inuupahan nina Claudia. Kumatok sa pinto at ang sumalubong sa kanyang harapan ay ang itay ng kanyang mahal. Una, ibinalik muna niya ang obra maestra at kagaad na hinanap si Claudia.
Nang nakita na niya ang kasintahan, niyakap niya ito sa tuwa.

“Claudia, ako ito, si Noel” sambit ng doktor. “Noel? Ikaw ba’y si Noel?” tanong naman ni Claudia. Nang titigan ni Noel ang mata ng iniirog, doon niya nalamang nabulag na si Claudia.

Doon  niya nalaman kung bakit ‘di sumulpot si Claudia sa kanilang muling pagkikita sa pinag-usapang tagpuan-sa simbahan malapit sa
tabing-dagat.
Dahil, iyon ang araw kung kailan tuluyang nabulag si Claudia. . . . . .
Isinalaysay ng Itay ang nangyari sa akin.
Ikinalungkot naman ni Noel ang nangyari sa kasintahan.
Sa kagustuhan ni Noel na maibalik ang paningin niya, siya ang sumagot sa pambayad nila sa pang-opera.

Pagkadilat ng aking mga mata’y, nakita ko na ang matagal kong hinahanap. Napuno ng ligaya ang aking damdamin. Lumiwanag ang aking paningin at iyon ay dahil sa tanglaw ng kanyang pagmamahal sa akin-tanglaw ng pag-ibig.

Upang makapamuhay ng maayos, ikinasal kami sa tabing-dagat sapagkat  nakapaloob dito ang aming mga alaala.
Gayunpaman, panatag sa loob ng magulang ni Noel na magpakasal kaming dalawa sapagkat nais nila ay ang kaligayahan ng kanilang pinakamamahal na anak.


                                                                                                                                                                                        
Nabuhay kami ng payapa. Nagbunga ang aming pagmamahalan ng dalawang supling.Wagas ang aming pagmamahalan sa hirap man o sa ginhawa.

Dito nagtatapos ang aming kuwento.




Sunday, November 28, 2010

Kalikasa’y Nananaghoy



Isinulat ni: JUANINO, JAN JASTINE.

 Sa tuwing takip silim
Ang kapaligira’y kulimlim
Naghahasik ng malamlam na liwanag
Sa mga pusong nababagabag


Nagsisipaghayo ang mga damdamin
Kahalina sa ginintuang mithiin
Kasalukuya’y naghahari ang karimlan
Sariwang pag-asa ang dala sa kinabukasan


Pag-asang maibalik ang bighani ng kalikasan
Na inaasam-asam ninuman
O, kayganda ng kahapon
Kaygandang pagmasdan ng paligid saan ka man naroon


Nang imulat ko ang aking mga mata sa kasalukuyan
Ano itong aking nakikita sa buong kapaligiran?
Damdamin ko’y yumabong sa panghihinayang
Ni hindi makapaniwala sa aking nasilayan


Tuluyang nagbago ang kinagigiliwan kong tanawin
Bagamat ang paglubog ng araw ay nagbago rin
Kasabay ng paglipas ng oras
Wari’y ang kagandahan ng kalikasa’y kumupas


Ang dating sariwang simoy ng hangi’y
Napalitan ng nakakasulasok na amoy ng basura
Tubig-dagat na dati’y kulay asul
Ngayo’y kulay itim na


Kabundukang puspos sa punongkahoy
Nakalbong tuluyan sa pagtotroso
Likas-yama’y inaabuso ng lubos
Ngayo’y unti-unti ng nauubos


Sa pagdaan ng panahon
Bighani ng kalikasa’y naglaon
Napakabilis ng mga pangyayari
Bagkus ay nakapagdulot pa ng pighati


Habang naririmarim sa kinasadlakan ng kalikasan
Naulinigan ko ang ungol, taghoy ng isang nahihirapan
Sambit niya’y , ‘‘Tulong! Tulong! Tulungan mo kami...”
Nababalutan ng hinagpis ang mahiwagang tinig


Luminga-linga ako sa paligid
Kung saan-saang dako ko hinanap
‘Di ko mahanap kung saan nanggaling ang tinig na iyon
Buong sipag ko pa ring tinanto, subalit wala


Humahampas sa aking paanan ang alon ng dagat
Ang natataning aliw-iw ay nagbibigay ng hudyat
Hindi ako nahihibang o nananaginip lang
Sapagkat panaghoy ang lahat ng aking napapakinggan


Kalikasa’y hunihingi ng tulong:
“Usigin mo ang pumapatay sa amin,” wika ng tinig
Nagugulumihanan ang isipan at napatanong
Sino ang pumapatay sa inyo? Sino ang may kagagawan ng pinsalang ito?



Ikaw na naglalagak ng basura sa aming dalampasigan
Kayong naghahagis ng lason sa isda’t yamang-dagat
Kalapastangan ang inyong ginawa
Mga walang awa!!!


Labis ang pagdadalamhati ng Inang Kalikasan
Hinggil sa pinsalang nakamtan
Poot ang nananalaytay sa ugat ng mga punongkahoy
Damdami’y namumutawi habang wagas ang pananaghoy

Tuesday, October 19, 2010

Kabataan, Sumulong Ka!!!

Bawat mamamayan may tungkuling isinasakatuparan
Bata man o matanda-walang sinisinuman
Nakatadhana mula sa nakaraan
Itinaguyod hanggang sa kasulukuyan

Mula sa wika ng bayaning magiting:
Kabataan ang susi sa pag-asang darating
Nananalaytay sa kanilang mga ugat
Ang katapusan ng paghihirap ng ating bayan



Kabataan, sino ka nga ba?
Dapat ka nga bang hangaan talaga?

Kabataan ang sumasagisag
Ng henerasyong magilas...matatag!
Ang puhunan namin ay talino't lakas
Alang-alang sa magandang bukas
Bagong Pilipino ang susulong
Sa pagpapaunlad ng ating ekonomiya
Kabalikas ka namin at laging nakahanda
Sa pagsulat at pagsasalita,
Wikang Filipino ang pinipithaya

Bawat kabataan nagkakaisa para sa kaunlaran
Paniniwalang may liwanag na makakamtan
At ang pawag sigaw...
Bangon! Para sa minimithing pag-asa at kalayaan!

Look at me, I'm lonely

Shadows playing against the wall
That's all that I can see
No one even bothers me to call

Yet I want to say, look at me,
I'm lonely ...


You are too busy

To take notice of me,

Don't you know that a hug

Will let me be in state of bliss?

Or a welcoming smile
Will make me all the waiting worthwhile?

Look at me,
I'm lonely
...


Monday, October 18, 2010

Kabataan, Pag-Asa Ng Bayan


Isang katotohanang hindi natin maikukubli. Isang tungkuling dapat gampanan.
Isang pangarap na dapat simulang abutin. Kabataan, ikaw mismo ang simula ng pagbabago.

Sa sandaling ito, tumahimik at tanungin ang iyong sarili. Hanggang aklat at pagsusulit na lang ba ako? Wala na ba akong makikita sa labas ng paaralan?
Imulat mo ang iyong mga mata. Punong-puno ng pag-asa ang nananalaytay sa iyong mga ugat at bilang isang mamamayan, may tungkulin kang dapat isakatuparan. Iyo na bang narinig ang taghoy ng Inang Bayan? Tinatawag ka papalapit sa kanya at humihingi ng tulong para sa pagbabagong kanyang inaasam.

Patungo sa iyong paglalakbay para sa pagbabago, hindi ka nag-iisa. Nariyan ang iyong mga kapwa-mamamayang makikitulong sa mga proyektong isinasagawa ng pamahalaan, lalahok sa mga programa tulad ng samahan ng mga kabataan, pagtatanim ng mga luntiang halaman na nagbibigay ng panibagong sibol sa pumapangit ng kapaligiran at ang pagmamatyag sa mga pangunahing bilihin na kailangan ng bawat mamamayan.

Kung may mga balakid man na hahadlang sa iyo katulad ng korupsyon na nagdudulot ng paghihirap sa mga Pilipino, huwag kang mag-alala. Gaya nga ng aking sinabi,
mayroon kang mga kasamang susugpo dito, ipaglalaban at papalaganapin ang katotohanan sa bayan.

Ngunit, ilang henerasyon na rin ang lumipas. Hindi makikita ang pagbabagong naganap. Taglay pa rin ng Pilipinas ang kahirapan, korupsyon at pagtaas-baba ng ating ekonomiya. Nakakasawa na. Kilos kapwa-kabataan ko at magmalasakit sa bayan.
Huwag umasa sa pamahalaan at sa mga susunod na henerasyon. Pakatandaan, hindi ka lamang isang pangkaraniwang mamamayan kundi isang instrumento tungo sa kaunlaran. Tayo, ang susunod sa henerasyon ngayon. Tayo, ang papalit sa ating mga magulang, sa mga guro, inhinyero, manggagawa ng iba't-ibang kagawaran ng pamahalaan, mga propesyonal at maging susunod na pangulo ng Pilipinas. Maniwala ka sa iyong sariling may magagawa ka.
Hindi pa huli ang lahat.

Tuesday, September 7, 2010

I KNOW MOVEMENT: KNOW THE TRUTH ABOUT YOURSELF AND YOUR BODY

We know women;we want women to know,too.
Thus the inscribed duty of Kotex You-niversity Program: I Know Movement who invited different schools including JCSGO Christian Academy for the Grand Student Congress last August 27 at the Ynares Sports Arena, Shaw Pasig.
Kotex You-niversity Program was implemented to raise adolescent women's Body Life IQ in order to increase their self-confidence, make positive decisions in life and share this information to others.
That is why the Grand Student Congress was organized -- to gather all young ladies not just to help them boost up their confidence but also to provide them with knowledge, skills and value orientations for developing a healthy lifestyle.
Unexpectedly,there were also celebrities who contribute their secrets of bearing success, gave advice and shared their moral lessons in life based from their own experiences.
''Having success is also by helping others improve." Ms. Marcela Laxa shared.
''Children, obey your parents. It will help you prevent troubles in life."
While, Senator Riza Hontiveros briefly tuckled the amusing part of her life as a journalist and as a server of the Philippine Republic.
This program is also consists of workshops and a teaching-learning package such as I Know Student's Module book and Kotex Diary designed for all participants in the Congress.
Attending this Congress is an advantage for all young ladies from different schools because it's not just the knowledge that we obtained from it but also the real-life experiences that enlightened our minds to face the barriers that will come along our way.

Monday, August 23, 2010

Robert Ramos, The Great

'' The bigger the better. . . ", says the tall, handsome, passionate fourth year high school student and determined basketball player of JCA Roaring Lions Basketball Team. He is no other than, Robert Ramos.

Typical as others may think he is, people would be amazed with his awesome rebounding skills and marvelous moves when the game begins and the thrill starts in the basketball game.

Robert is a living testimony who proved that change happens, if you are really determined to pursue your goals in life. '' Before he is not able to catch up but now he is improving.''says Bullet Sarte of IV - Glorious.

Aside from being a basketball player, he is also interested in music, reading the Bible,
surfing the internet and playing basketball usually occupies most of his spare time.

Behind his impressive moves in every basketball game is a dream that will continually
inspire him to strive harder and have a great amount of motivation which leads to success.

Robert proved that success is achieved through hard work, patience and determination.

Programang Ipinatupad, Huwag Hiramin Ang Utensils

Ang pagpapatupad sa programang hindi paghiram ng kutsara at tinidor ng canteen na
sinimulang pinairal noong ikasampu ng Hulyo 2010.

Ayon kay Gina Dalmao, ang head ng canteen, '' Makakabuti ang ipinatupad na
batas sa canteen.

" Para sa lahat ng mga mag- aaral na may baon na, hindi nila kailangan humiram
ng nasabing utensils. Ngunit para sa mga mamimili, karapatan nila iyon.", dagdag pa ni
Dalmao.

Mula kay Gng. Julie Trinidad, serber ng canteen, "Kung hindi ipapatupad ang batas na ito ay magkukulang sa lahat ng mag-aaral ang mga kutsara at tinidor. ''

Nang simulang ipinatupad ang programang ito , ay walang lumabag na mag-aaral.

'' Ang batas ay ipinapatupad para sundin ng bawat mag-aaral at ang paglabag dito ay hindi maaari.'', ayon sa kanila.